Pahimis Festival 2012
Parine na kayo’t magkape! :)
Halos 4 na taon na mula nung huling nagkaroon ng Pahimis Festival sa amin. Nawala kasi ito, pero ngayong iba na ang mayor namin ay ibinalik nya ito.
Ang Pahimis ay ang pagdiriwang namin ng masaganang ani ng kape. Ang Amadeo nga tinaguriang Coffee Capital of the Philippines. Ang isa sa mga pinaka-inaabangan namin ay ang street dancing ng iba’t ibang barangay. Yung mga costumes nila e karamihan may kapeng design o gawa sa sako ng kape. Basta may kaugnayan sa kape! :)
Naalala ko nung high school pa ako at tuloy-tuloy pa ang pagse-celebrate ng Pahimis ay laging kasali ang school namin sa street dancing at iba pang activities. Lagi pa kaming walang klase dahil nga kasali at busy sa pagpa-practice. Haha. Tapos naggagawa din kami ng mga costumes namin na gawa sa sako ng kape, etc. Nagtutuhog pa kami ng kape para gawing accessories. Inis na inis pa nga ako dati kapag gabi na akong natutulog dahil lang dun. E ngayon, na-miss ko naman ang pahirap na yun mula sa buhay high school ko.
Ayan, tingnan n’yo ang ilan sa mga kuhang larawan ko ng makulay naming pagdiriwang ng Pahimis.
Halos 4 na taon na mula nung huling nagkaroon ng Pahimis Festival sa amin. Nawala kasi ito, pero ngayong iba na ang...